Katuloy nung nauna kong
post.
Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? wala knaman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy mo lang ang buhay. Wag kang emo. Hindi ka talaga magiging masaya kung di mo tutulungan ang sarili mo. Natural lang na makaramdam ng lungkot paminsan-minsan pero ang pagiging miserable? Wag kang hibang choice mo yan.
ang tao aminado naman yan sa mga kasalanan nila eh. pero kung lalo mo pang ipapamuka sa kanila na mail sila.... lalo mo silang bibigyan ng dahilan pa ra iwan ka
Kung ang tinapay nga na iniwan mo sa mesa may kumukuha, yun pa kayang mga bagay na mas mahalaga sa'yo?... wala nang nagtatagal sa panahong ito at kung may iiwan ka... siguraduhin mong hindi na iyon mahalaga
Minsan kailangan mo ding makalimot, para ikaw naman ang maalala...
Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao kapag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang taong tinalikuran mo...
walang mangyayari sa buhay mo hangga't hindi ka tumitigil sa paninisi sa iba sa naging kapalaran mo..
Maraming tao dito ang mas malungkot pa sa taong nakatira sa buwan. Saka hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuong mundo e. Minsan isang tao lang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay...
Ang tamang bagay saka tamang panahon, wala na ring saysay kapag wala na yung tamang tao. Ang tao pwedeng mag-adjust, pero ang bagay at panahon, hindi..
Ang tenga kapag pinagdikit korteng puso...
Extension ng puso ang tenga, kaya kapag marunog kang makinig, marunong kang magmahal..