August 3, 2009

PAALAM...


Nakakalungkot isipin na ang kauna-unahang babaeng Presidente ng Pilipinas at ng buong Asya ay pumanaw na. Nakakalungkot din kasi bukod siya ang nakamulatan kong pangulo e siya rin ang nagbigay sa atin ng kalayaan o demokrasya mula sa kamay ng diktadurya. Nakakahinayang pero kailangang ituloy ang buhay at ang laban... Personal akong nakikiramay sa pamilya at kaibigan ng dating pangulo sa pamamagitan ng munting pahina kong ito... Nawa'y maging huwaran siya ng bawat Pilipino lalo na ngayong talamak ang nakawan sa gobyerno at papalapit n naman ang ating pagboto... Sa iyo dating pangulong Corazon Aquino, nasaan ka man, maraming salamat po sa lahat ng ito...