November 2, 2007

SUGAL...

sugal... eto ang hilig nmin kapag wala kaming magawa ng mga katropa ko. vacant, palipas oras, kapag alang prof, sa kalye, sa eskwela, sa tambayan at sa apartment... halos sa lahat ng lugar mkakakita ka ng nagsusugal...

pusoy at tong-its ang pinakasikat sa grupo namin nun...nagsimula sa pa-piso-piso umabot sa malakihan hanggang daan na ang napapatalo...

pero alam mo hindi lang basta-basta ang pagsusugal...may sugal din sa eskwela, at ayun ung kapag nanood ka lang ng tv nung gabi tapos exam ka ng first subject kinabukasan. astig na sugal un, halos lahat ata ng tamad na estudyante nararanasang sumugal ng ganoon... pero wala ka sa sugal na ginagawa ko pag exam, "TOSS COIN!", oo toss coin! lagi kasi ako may baryang tinatabi sa bulsa at kapag hindi ko talaga alam ang sagot dinadaan ko na lang sa mahika ng barya, ang mahika ng pagtsamba!

noong nakaraang oct. 22 - 24 nagamit ko yang taktika ko na yan...hahaha!!!gamit na gamit...compre exam yun at dahil multiple choice at apat ang pamimilian, 2 barya ang gamit ko...nilagayan ko ng pangalan kada isang side ng barya...A, B, C, at D. hindi ko nga lang hinahagis ang mga yan kasi baka makita ng nagbabantay na propesor e, makitaya pa... iniba ko ang paggamit ng mahika ko, magkabilang bulsa, aalugin tapos bubunot...yung dalawang matitira un ang huli kong pagbubunutan para isa na lang ang matira...

ganun lang ang buhay, dapat alam mong sumugal... pero hindi talaga iyan ang kuwento ko...

nung nakaraang oct. 29 naganap ang botohan para sa brgy. captain level at syempre plastikan na naman at laganap na naman ang dayaan... nung mga panahon ding iyon may ntuklasan akong nakakatuwang katotohanan...

nabasa ko ang ilan sa mga rules and regulations pagdating sa botohan dito sa Pilipinas at eto ang natuklasan ko... hindi ko alam kung lingid pa ito sa kaalaman ng nakararami basta bago lang ito sa pandinig ko....

nagkaroon kasi ng kaso sa lugar namin na nagkaroon ng tie ang dalawang kandidato, ayun ang laking problema! kung bumoto siguro ako e wala ng ganung isyu... tensyonado ang lahat dahil sa nangyari, recount nga sana ang iniicp ko o kaya maghati na lang cla ng termino... eto ang magandang parte, dumating ang parehas na kampo at sila'y nagharap, anak ng baog na baka o, ayon daw sa batas "TOSS COIN" daw ang dapat... Ayun, bumilib na naman ako sa mga Pilipino...

HAHAHA!!! parang ginawang legal na ang pagsusugal... sa pormal na okasyon n yun at sa isang tensyonadong pangyayari, sugal lang pala ang solusyon... busettt! hindi ko lubos maisip kung bakit ganun ang ginawang batas para sa ganung mga kaso, pwede namang "jack en poy" unahang makalima, pwede ring "pompyang" maalis-alis at pwede din namang daanin na lang sa boxing o pitikan sa ilong ang umiyak talo... hindi ba? pero sa dinami-dami ng gagawin e, toss coin pa! AYOS!

ewan ko ba pero natatawa talaga ako, hindi ko alam kung sinadyang nakakaaliw ang solusyon o ala lang talagang maisip ang gumawa nun o baka ala talagang isip... iniisip ko tuloy mas maganda iyon na lang ang pambansang laro natin, hehehe, pati din siguro ang pagpili ng presidente daanin na lang sa ganun... kaya naniniwala na talaga kong totoo ang kasabihan, ANG BUHAY AY ISANG SUGAL... o db? gusto mo pustahan pa tayo?

No comments: