May 1, 2008

LABOR DAY....

labor day ngayon...ano ang kaugnayan?

wala!

wala kasi akong maisip na title para sa comeback post ko, nagkataong labor day ngayon kaya ayun na lang...pasensiya na...

3 buwan na pala halos mula nung huli akong nagpost...ang bilis ng panahon ano...parang nakakabigla sa bilis...madaming nangyari sa akin sa konting panahon na lumipas...

nakapagtapos na ang mga kaklase ko at ako ay ojt na lang ang kulang tapos ay susunod na din sa kanila..ang galing ano, tapos ngayon sasama na din ako sa mga kababayan nating nakikipagsapalaran para lamang may maipantustos sa pangangailangan nila at ng kanilang pamilya at siyempre para pambili ng bagong cellphone...ang hirap ng buhay ngayon, maghapong trabaho kapalit ng ipambabayad mo lang sa jeep at bus pati pambili ng bigas, tapos 15 araw n namang tatanga.

ganun lang siguro talaga...14 o higit pang taon kang ihahanda para sa tunay na gera ng buhay...

tapos na ang palabas, ewan kung ano ang sumapi sa akin... ayun lang sinasabi ko lang na nakabalik na ako....magandang araw kaibigan...

1 comment:

Tsina said...

yehey! malapit na rin tau grumaduate! yuhoo!