June 30, 2008

ASAR...


Hindi ko maintindihan ang trend ngayon sa music industry natin. dati puro revival lang, tpos papakanta sa iba then lalagyan ng title na "music of my life since i am born chuva" then album na! nakakabuwiset! pero ang pinakamalupet yung "ibang dialect version" ng mga ingles na kanta naman ang nauso! Namputsa, pasintabi na lang pero yan ang hindi ko talaga masakyan, pumapangit tuloy yung production natin ng magaganda't bagong kanta! Busett!!! Nga pala pakiantay yung kapampangan version ko ng crank dat ha! LOL!!! Busett talaga!

June 27, 2008

NAPSTER AT BLOGGING PINOY

I have just joined BloggingPinoy and it really excites me. It's a cool blog and it features stories about Filipinos and anything that involves our own country... BloggingPinoy is a multi-authored blog that provides a view on being a Filipino and the Philippines in general. Pls do visit the site. Thanks!!!

June 25, 2008

PASASALAMAT...


Lahat ng istorya ay may katapusan... ang mahalaga ay marunong kang magpasalamat sa nagdaan at humarap sa kasalukuyan... pahalagahan mo ang bawat sandali... harapin mo ang bawat karanasan ng may pagpapahalaga... gawin mong gabay ang mga aral at ala-ala ng nakaraan... tapusin mo ang huling istorya na puno ng pag-asa... simulan mo ang bagong kabanata ng may pagmamalaki...

maraming salamat sa lahat...

hanggang sa muli....

June 17, 2008

ETO NA...


eto na talaga... nararamdaman ko na... ang pinag-aralan ko ng lampas 15 taon ay magagamit ko na... totoo na ito, wala ng biro... haaayyy... nakaka-miss ang lahat ng nakasama ko at karanasan sa eskwela...

hanggang dito na lang talaga siguro, ang pagkakakulong ko sa kahon, sa apat na sulok ng kwarto... tapos na nga talaga... pero mayroon na ding nag-uumpisa...

mas mahalaga, mas mahirap at walang guro na magbibigay ng grado at leksiyon... ako na ang guro ng sarili ko, ako na ang gagawa nang leksiyon na pag-aaralan ko...

wala ng atrasan.... may mga bagay na nagtatapos at meron ding nagbubukas... salamat sa lahat, salamat sa kahong 15 mahigit na taon ko ring naging tahanan, salamat sa mga guro kong nagturo sa akin ng kung anong nalalaman ko, salamat sa mga karanasan na nagturo sa akin na maging matibay, salamat sa mga kakilala, kaibigan, kabarkada sa mga alaalang binuo natin sa mga panahong iyon... salamat pero kailangan ko ng magpatuloy, taas noo at mas handa sa totoong pagsusulit at hamon... salamat sa lahat...

mag-uumpisa na ang bagong istorya, ang bagong pag-aaral at bagong karanasan... sisimulan ko iyon baon ang lahat ng binigay sa akin ng higit 15 taon ng pagkakakulong sa kahon... eto na ako... sa wakas graduate na ako!

June 15, 2008

ON THE JOB TRAINING

Maraming salamat sa pagtanggap at sa mga natutunan ko dito... Everyone and everything is wonderful... I do hope na makatulong aq sa company kapag naging employee na ako... To bossing Efren, idol Sylvere, Lei Lei, Mike, AC, Rosas, Lady Drei, Jer, Cindy and Edsel at sa buong CIT at sa CTSI salamat ng marami and i'm looking forward to working with you guys! Be well!

here are some of my pics...


kape?

naiinip na...

with rose

with tope

web developer(naks!)

reporting services...