October 13, 2008

KAIBIGAN

CTSI
----- CIT
--------- SYSDEV

Sa aking tatlong buwan at 6 na araw, pwera pa ang higit sa isang buwan na OJT, na pakikisama at pagttrabaho sa CTSI ako ay nakatagpo ng mga bagong kaibigan.... Tara ipakikilala ko sila sa inyo...


Si Tope ang Bagong Bangis

Hindi na sya bago, matagal ko na itong kasama. Siya ang bagong bangis, kasabay ko mag-OJT at ka-batch kong grumaduate. Small but terrible daw, YARI KA!!!! hahaha! Ayus to pagdating sa trabaho pero sabit lang talaga pagdating sa chicks, parang kabayo kasi may takip sa mata at iisa lang ang nakikita... hehehe!

Si AC ang Shopping Queen

Bakit kamo, siya kasi ang taga supply sa amin lalo na pag may meeting. Kapag gutom ka lapit ka lang sa kanya, sure may pagkain yan... Hehehe! Siya ang taskmate ni Lei, magaling yan bumirit! Sa sobrang galing kahit naalimpungatan basta alam ang tugtog bibirit yan! Hahaha!


Si Mike ang Politician/Businessman/Engineer/Dancer/etc.

Yan ang hari ng "tracking system" namin, mapa sa trabaho o sa chicks nakupo! Yung salamin nyan na-zzoom ng 500%! Hehehe! Sa tingin ko namali to ng linya kasi mukhang mas-in siya sa pagtitinda, threat siya actually kay manang at sa mga nagtitinda sa harap ng building namin. Hahaha! Hindi malabo magrent to ng isang space para lang sa tinitinda nya! Hehe! Peace Vice!


Si Rose ang Reyna ng Selda Katorse

Ewan ko pero tingin confused to sa pagkatao nya! Hahaha! Hindi, babae yan kita naman e! Hehe! Siya ang Software Tech Engineer sa amin, ayus yan all around sa opisina yan pati sa chicks yan ang pambala namin. Hehehe! Lagi nya iniisip ang mga buwitre! hahaha! Ala ako masabi, mataray to pero ok naman pag kasundo mo medyu confusing lang talaga kung minsan... Peace!

Si Drei ang Official Photographer

Siya ang pinsan ng kaibigang Paps ko, ayoko magcomment ng husto kasi baka mabanatan ako ni Paps. Hehehe! Siya ang reyna ng Sharepoint at ng portal namin, tahimik pero malupit. Hehehe! Magaling sa pakikipagkapwa tao! Ayus! Apir! Peace Drei!

Si Lei ang SQL Queen

Siya ang paborito ni Jer lalo sa asaran, ewan ko ba kung bakit. Hehehe! Siya din ang pinakamalupit para sa akin pagdating sa SQL at Database Management dito, kahit tulog at nananaginip kaya niya sagutin! Hehehe! Wag lang talaga pag kaharap ang picture o kahit anung may Arashi. Hehehe! Peace Lei! Siya ang amo ko nung OJT, kaya bati kami nyan kasi ang taas ng binigay na grade! Hehe!

Si Jer ang Kilabot at Alamat

Siya ang alamat ng Sysdev, mapa-babae o lalake malupit to! Walang patawad! hahaha! Siya ang amo ko ngayon sa Web. Kung si Lea ang sa DB si Jer ang sa .Net, ang lupit din nito! Hehe! Lalo pagdating sa chiks, panalo! Mabilis pa sa alas kwatro! Hahaha!


Si Ver ang Idol ko from Mars

Hahaha! Peace Ver! Siya ang pinaka sa amin na under ni boss. Kung si Lei sa DB at Jer sa .net, si Ver ang pinagsama-samang pwersa! Sa sobrang lupit nito, parang taga ibang planeta na pag technical ang pinaguusapan, hindi ko maintindihan e! Hehehe! Mahirap sukatin ang alam e, ultimo habang nasa cr ata nagpprogram sa utak e! Ang lupet! Hehe! Pati sa tugtugan, ala ko masabi! Bow ako sa kanya talaga! Nag-eenervon to e! IDOLLLLLLL!!!!!!

Si Efren ang Bonggang bonggang amo

Siya ang rason kung bakit kami ganito ka-bibo, siya ang Mayor namin. Kumbaga para siyang fly paper kapag nadikit ka parang ayaw mo na humiwalay. Papiliin ako, siya pa din gusto ko maging bonggang bonggang boss (Yun, baka magbigay recommendation for raise e. HAHAHAHAHA!). May mga kakilala nga ko gusto palipat sa amin para lang maging boss siya e.. Hehe. Tsismis un... Basta ala ko masabi dito, sana lang may balikan pa ako trabaho pag nabasa to. Bossing peace tayo ha! Malupit yan saludo talaga ko!


Sila ang mga kaibigan ko, kabarkada at mga katrabaho. Wala ko masabi, ang saya ng grupo namin at super bibo. Walang itatapon, lahat pasok! Kaya kahit may gusto agad pumirata sa akin, ayoko kasi mas gusto ko dito. Enjoy! Kumbaga sa pelikula, star-studded! Kumpleto, parang hindi pwede mawala kahit isa, buo kahit may problema! Sa totoo lang marami pa kaming myembro pero etong mga to kasi ang ka-team ko talaga sa opisina, wala talaga ko masabi, teka petiks na ko ha cge balik muna sa trabaho. Salamat sa inyo! Amen!

3 comments:

StrawberryAne said...

jhong! nice post ahhh.. loko ka.. kapwa-tao pala haa.. susumbong kita sa kuya kooo hehehehe.. :D keep on blogging :D

Anonymous said...

hehehe. thanks drei!

Anonymous said...

Bat naman ganyan pics.. Napaghahalataan tuloy.. Masisira image ko sa iyo eh.. Hindi naman umaabot sa pagtulog.. Kung ako reyna.. Ano ka? Kilabot ng HR? PRACE~ Pero in fairness.. Dapat talaga may Arashi.. Lolz~