October 12, 2007

NAPSTER'S REALM

huwebes ng gabi, nakakainip...ewan ko ba kung bakit ako naiinip nun....ahhh, down nga pala ang site namin nun tapos under maintenance pa ang friendster kaya ayun...bigla pumasok sa isip ko ang gumawa ng ganito...salamat nga pala kay TSINA at kay QREUX ng coe-5b kasi na-inspire nila ko gumawa ng sarili kong pahina...(tuloy na ang kwento)

bakit nga ba NAPSTER's REALM?(kamot ulo habang nag-iisip)

NAPSTER
jan kasi ako kilala, username ko yan sa site namin...nakuha ko yan s movie n "italian job", nanunuod kasi ako ng movie nun, nainspire ako sa hacker na si napster kaya ayun ginaya ko na ung name...

REALM
ayon sa pagkakatanda ko,ang ibig sabihin nito parang ibang dimensyon o mundo...parang time space warp ni shaider...hehehe...nung tignan ko sa dictionary ulit eto lumabas...

Realm
-[noun] a land of make believe; an untroubled kingdom.

o di ba parang fairytale land lang ang tunog...bongga!

ewan, hindi ko alam kung bakit yan ang pumasok sa isip ko na ipangalan sa pahina na ito...basta ginawa ko 'to para may mapag-aksayahan ako ng panahon...kaya kung magagawi kayo dito e pustahan naghahanap kayo ng pornsite o di kaya ala lang kayo magawa...salamat!

1 comment:

astrid said...

infairness kinacareer ang pagiging programmer! try ko din gumawa ng blogsite pag wala akong magawa... hehehe
nice work napster!